-- Advertisements --
CAAP logo

Todo paliwanag ngayon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa kanilang hakbang na pagkakaroon ng third-party maintenance provider sa mga paliparan sa bansa kasunod na rin ng nangyaring airspace shutdown noong Enero 1.

Ayon kasi kay Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Manuel Antonio Tamayo, sa ngayon nakikipag-negosasyon sila sa French firm na Thales group na isa sa mga kumpanyan sa pag-provide sa bansa ng Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system.

Sinabi ni Tamayo na malawak daw kasi ang karanasan ng naturang kumpanya pagdating sa Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system.

Aniya, katuwang na rin daw nila ang kumpanya at sila ang namamahala sa Air Traffic Management Center.

Samantala, sinabi rin ni Tamayo na ang warranty para sa system maintenance ay nagpaso na noong 2020.

Pero sa kabila nito ay patuloy pa rin umanong nagbibigay ng suporta ang naturang kumpanya maging ang Sumitomo para sa Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system.

Ang Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system sa Pilipinas ay nabili sa pamamagitan ng deal sa Sumitomo-Thales joint venture.

Ang Thales ay namamahala sa air traffic management system software base sa paliwanag ng kanilang representative na si Harry Nuske.

Habang ang Sumitomo ay “integrator” para sa building at civil works ayon naman sa kanilang resident representative na si Lloyd Chadwick Lim.

Sa ngayon, ang “qualified” at “well-trained” Civil Aviation Authority of the Philippines technicians daw ang nagmimintina sa Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system.

Ang kanilang mga personnel ay sumailalim din sa pagsasanay ng Thales maliban pa sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Pero sinabi naman ni Senator Grace Poe na dapat ay mayroong third-party audit sa Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system kasunod na rin ng mga lumabas na balitang ang uninterruptible power supply (UPS) ay nag-malfunction na siyang naging dahilan ng airspace shutdown.

Sinabi ni Tamayo na ang uninterruptible power supply na minimintina ng Filipino company P2RO Inc. ay huling na-check dalawang taon na ang nakaraan.

Huli raw itong na-check noong pinalitan ng baterya ang uninterruptible power supply.