-- Advertisements --

Binati ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kapatid nating Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Ramadan ngayong araw March 12,2024.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang dedikasyon ng mga Pilipinong Muslim na kanyang nasaksihan sa kanilang pagsunod sa banal na panahong ito.

Ayon sa lider ng Kamara ang pananampalataya at debosyon ay nagbibigay ng inspirasyon ng pagkakaisa at compassion na tunay na kahanga-hanga.

Ayon kay Speaker ang banal na buwan na ito, anuman ang paniniwala, ay isang paalala na mag-isip kung ano ang mai-aambag upang mapabuti ang mundo.

Nangako rin si Speaker Romualdez, katuwang ang Kamara na susuportahan at poproteksyunan ang karapatan at kalayaan ng mga Muslim community sa bansa.

Inihayag ni Speaker na habang nag-aayuno at nagmumuni-muni, alamin na hindi mo ito ginagawa nang nag-iisa.

Ang diwa ng Ramadan, kasama ang mga halaga ng pagsasakripisyo, empatiya, at pag-ibig sa kapwa, ay umaalingawngaw sa kabila ng mga hangganan ng kultura at relihiyon.

Ito ay nagbibigay-inspirasyon sa ating lahat na maging mas mabuting indibidwal, upang maabot ang mga nangangailangan, at magtrabaho tungo sa isang lipunan na minarkahan ng kapayapaan at paggalang sa isa’t isa.