-- Advertisements --
image 465

Nakuha mula sa slope ng Bulkang Mayon ang mga personal na kagamitan ng apat na biktima ng bumagsak na Cessna plane sa Albay.

Ayon sa mga awtorisad, itinurn-over na kaagad sa pulisya ng bayan at Scene of the Crime Operation o SOCO ang mga narecover na gamit, kabilang ang mga identification cards, cash, wallet, mobile phone, at laptop.

Ang mga bagay na nakuha ay gagamitin umano para sa forensic assessment kaugnay ng insidente ng plane crash.

Noong Biyernes ng umaga, ipinagpatuloy ang operasyon sa pagkuha sa labi ng biktima upang maibaba na ito sa mula sa crater ng bulkang Mayon.

Kung maaalala, kinumpirma ng mga awtoridad kamakailan na ang piloto na si Capt. Rufino James Crisostomo Jr.; ang kanyang mekaniko na si Joel Martin; at ang kanilang dalawang pasaherong Australian, sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanam, ay natagpuang patay sa lugar na pinangyarihan ng naturang plane crash.

Nawala ang Cessna plane noong Pebrero 18 matapos itong lumipad mula sa Bicol International Airport sa bayan ng Daraga, Albay.