Binigyang-pagkilala ng pamahalaan ang kadakilaan ng mga manggagawang Pilipino ngayong ginugunita ang “Labor Day.”
Ginawa ang pagkilala sa isinagawang “Duterte Legacy” Barangayanihan Caravan” sa People Power Monument sa Quezon City kung saan nagtipon-tipon ang ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.
Dumalo din sa nasabing aktibidad si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagbigay pugay din sa mga Pilipinong manggagawa.
” It’s International Labor Day today. The government honors Filipino workers by gifting them the legacies of peace and security that would usher in inclusive national development for their families and communities,” pahayag ni Sec. Lorenzana.
Binati din ng kalihim ang organizers ng Duterte Legacy Caravan na pinangunahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, binigyang pugay nito ang mga Pilipinong manggagawa lalo na ang mga Overseas Filipino Workers na malaki ang naiambag sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga remitances na kanilang ipinapadala.
Kaya ang nasabing aktibidad ay hindi lang para sa culminating activity ng Duterte Legacy Caravan, kundi kasama dito ang pagkilala din sa kadakilaan ng Pilipinong manggagawa at ang alok na serbisyo ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno para sa mga mamamayan ng bansa.
Dahil sa nalalapit na ang May 9,2022 national and Local elections, hiling ni PNP Chief sa publiko na makiisa sa PNP na gawing maayos at mapayapa ang halalan.
Siniguro naman ni Carlos na all sytems go na ang PNP sa pagbibigay seguridad sa halalan kung saan katuwang nila ang Armed Forces of the Philipines (AFP).