-- Advertisements --
twitter card 2021

Maaring tumaas ng 20% ang kabuuang benta o kita sa consumer food service sa buong Pilipinas ngayong taon.

Ito ay katumbasng $13 billion na kita.

Sa inilabas na datus ng United States Department of Agriculture (USDA), inaasahang lalago ang service industry sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga kainan, hotel, at iba pa.

Isa sa nagsilbing basehan ng USDA ay ang maraming bilang ng mga kliyente na maagang nagpapa-schedule, habang ang mga direktang kumakain sa maraming kainan ay nagpipilahan pa sa labas ng mga establishimiyento.

Inaasahan ding malaki ang magiging ambag dito ng mga kilalang fast food establishments sa Pilipinas, Kainan sa mga gilid ng kalsada, cafe, at iba pa.

Bagaman malaki ang projected na pag-angat ng kita ngayong taon, sinabi ng naturang ahensiya na mas mababa pa rin ito kumpara sa natukoy na pag-angat ng naturang industriya nitong nakalipas na taon.

Noong 2022 kasi ay umabot sa $10.42 billion ang kita sa naturang industriya, mula sa dating $8.23billion.

Ito ay katumbas ng 26% na paglago.