Maagang sisimulan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang mga aktibidad, kasabay ng kaniyang ika-65 taong kaarawan.
Alas-8:00 ng umaga magsisimula ang event ni Pangulong Marcos para sa araw na ito, Setyembre 13, 2022.
Magtutungo ang presidente sa San Mateo Rizal, partikular sa San Mateo landfill sa Barangay Pintong Bocaue.
Dito ay pangungunahan ng chief executive ang bamboo at tree planting activity na gagawin din kasabay sa ibat- ibang bahagi ng bansa.
Pagkatapos nito ay balik sa malacanang ang Pangulo para sa isa pang aktibidad, alas-10:00 ng umaga at ito ay ang paglagda sa executive order hinggil sa Moratorium on the Annual Amortization of Agrarian Reform Beneficiaries.
Bandang hapon naman ay muling magpapatuloy ang aktibidad ng chief executive na gaganapin sa isang orphanage.