-- Advertisements --

Pormal nang inanunsyo ng Kabataan party-list ang kanilang nominees para sa 2022 polls.

Sa kanilang national convention kahapon, Setyembre 25, inanunsyo ng Kabataan party-list ang pangalan ng napili nilang pitong nominees.

Ang una nilang nominee ay si dating University of the Philippines student regent Raoul Manuel, na kasalukuyang national president ng Kabataan party-list at convenor ng Youth Act Now Against Tyranny at Rise for Education-National.

Pangalawang nominee ay si Angelica Galimba, national minority rights advocate ng Tignayan Dagiti Agtutubo Ti Kordilyera para ki Demokrasya ken Rang-ay.

Pangatlong nominee nila ay si Jandeil Roperos, national president ng National Union of Students of the Philippines.

Pang-apat na nominee si Maria Jianred Faustino, dating councilor at treasurer ng UP Los Baños University Student Council at regional coordinator ng Kabataan party-list-Southern Tagalog.

Pang-limang nominee ay si Jayvie Cabajes, Kabataan vice president for Mindanao.

Pang-anim na nominee sa Vince Alloso, convenor ng Youth Act Now Against Tyranny – Cebu.

Ang pang-pito naman nilang nominee ay si RJ Ledesma, chairperson ng League of Filipino Students – Bacolod.

Ayon sa Kabataan party-list, kabilang sa kanilang platform ay ang tiyakin ang karapatan ng mga bata sa pagkakaroon ng kalidad na edukasyon.