-- Advertisements --

israel

Halos isang linggong mananatili sa Pilipinas ang tatlong medical experts mula sa Ministry of Health ng Israel na tutulong sa pagtugon sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic sa ating bansa.

Ayon sa vaccine czar na si Carlito Galvez, malaking tulong sa pamahalaan ang ibabahaging “best practices” ng tatlong Israeli medical experts.

Partikular dito ang “pag-fine tune” sa nagpapatuloy na COVID vaccination rollout ng gobyerno.

Nais din ng gobyerno na mabatid ang mga ipinatupad ng Israel sa deadly virus na posibleng magaya ng ating bansa.

Makikipagpulong din ang Israeli delegation sa ilang top medical experts at nakatakdang bumisita sa ilang vaccination sites sa bansa.

Ang 3-men Israeli medical experts ay pinangunahan nina Avraham Ben Zaken, Deputy Director General ng Ichilov Medical Center; Adam Nicholas Segal, Logistics and Operations Manager ng Solomon Levid; at Elstein Ltd. at Dafna Segol, consultant ng Healthcare Policy and Innovation.

israel2

Kahapon nang personal silang sinalubong ni Galvez nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport at hanggang June 25 makakatuwang ng Pilipinas laban sa pandemya.

Bukod kay Sec. Galvez, kasama rin sa sumalubong sa mga Israeli medical experts sina Health Dir. Ma. Soledad Antonio, Nir Balzam, Deputy Chief of Mission, Israeli Embassy.