BUTUAN CITY – Ililibing na ngayong Sabado, Nobyembre a-20 dakong alas-nueve ng umaga ang abo ni Jorge ‘Ka Oris’ Madlos sa Surigao Memorial Park sa Surigao City matapos ang apat na gabing paglalamay.
Matatandaang umabot ang abo ng rebeldeng lider sa Surigao City mula sa Bukidnon nitong Nobyembre a-11 na dinala pa sa General Luna sa Siargao Island, Surigao del Norte kung saan siya lumaki at ibinalik ito ng Surigao City na nakaratay ngayon sa isang punerarya.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Bombo Surigao correspondent Roel Catoto na kababayan ni Ka Oris, dalawang gabi itong nilamayan sa bahay ng kanyang foster father sa General Luna na si late General Luna mayor Mauricio “Oris” Ravelo, na ang palayaw ay syang ginamit nitong nom de guerre sa makaliwang kilusan.
Ayon umano sa salaysay ng kapatid ni Ka Oris na si Anne, walang anak ang namatay na mayor na ang asawa ay kanilang tiyahin kung kaya’t inampon nila si Ka Oris noong ito ay isang taong gulang pa lang.
Napag-alamang ang abo ni Ka Oris ay isinilid sa walong kilong marble jar at idini-display sa hall ng ikalawang palapag ng bahay ng kanyang ancestral home na una na ring dinala sa beachfront property na minana ni Ka Oris mula sa kanyang mga foster parents.










