-- Advertisements --

Hindi sang-ayon sina Partido Lakas ng Masa tandem Leody de Guzman at Walden Bello ang pagpapalit ng hitsura ng P1,000 na pera.

Sinabi nila na dapat hindi tanggalin ang mga mukha ng mga World War II heroes na kasalukuyang nakalagay sa nabanggit na pera.

Dagdag pa nila na hindi dapat mawala ang pagkilala ng bansa sa ating mga bayani.

Magugunitang binatikos ang inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bagong hitsura ng P1,000 na pera na pinalitan ng Philippine eagle ang mukha nina Josefa Llanes-Escoda, Gen. Vicente Lim at Jose Abad Santos.