DAVAO CITY – Isinailalim sa K-9 evaluation test ang mga bomb sniping dogs na nagmula sa ibat-ibang bahagi sa Mindanao.

Layunin nito na ma-evaluate ang mga K-9 sa kanilang pag-amoy sa mga bomb components, gayundin ang pagdala sa kanila ng kanilang mga handlers.

Kabilang sa mga pinagawa sa mga trained na aso na ito ay ang baggage search at open search, at vehicle at room search.

Mahalaga na sa loob lamang ng limang minuto ma-detect na ng K-9 ang bomb components.

Dapat umano na maging epektibo ang mga K-9 na mapigilan ang mga pagsabog ng mga bomba na posibling naitanim ng mga terorista.

Ang K-9 Evaluation Test bahagi ng sampong araw na K-9 handler orientation course na pinangunahan ng PNP Supervisory Office for Security and Investigative Agencies (SOSIA) at Fireball Security Agency.