-- Advertisements --
image 90

Tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang pagsisikap ng Pilipinas na palakasin ang mga mekanismo ng domestic human rights.

Sinabi ng Philippine Mission sa Geneva, Switzerland sa isang pahayag na personal na ipinarating ni Secretary Remulla ang katiyakan sa kanyang pakikipagpulong kay UN’s Acting High Commissioner for Human Rights Nada Al-Nashif.

Binigyang-diin ni Remulla ang mga reporma ng Department of Justice sa pag-decongest ng mga kulungan at ang pagpapalaya noong nakaraang buwan ng 371 detainees na nagsilbi sa kanilang mga sentensiya mula sa mga bilangguan sa buong bansa.

Ipinaalam din niya na ipagpapatuloy ng DOJ ang mga pagpapalabas at gagawa din ng mga hakbang upang palakasin ang programa sa proteksyon ng mga witness.

Sa pulong, sinabi ng Philippine Mission na kinilala ni Al-Nashif ang pagsisikap ng Pilipinas na tugunan ang mga isyu, tulad ng enhancing accountability, pakikipag-ugnayan sa UN, at human rights-based approach sa pagkontrol sa droga.

Kasalukuyang namumuno si Remulla sa delegasyon ng Pilipinas na lalahok sa Oktubre 5, 2022 Enhanced Interactive Dialogue on the Philippines sa UN Human Rights Council at ang revalida sa International Covenant on Civil and Political Rights sa Okt. 10 at 11 sa Geneva.