Pinagtibay ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla ang patuloy na suporta ng Pilipinas sa UN High Commissioner for Refugees sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Sa isang pahayag sa 73rd Session ng UNHCR’s program executive committee, sinabi ni Remulla na kinakailangan na “dapat tayong gumawa ng tunay na aksyon at matatag na mga plano, hindi lamang mga kilos, upang makatulong na matiyak ang isang mas magandang kinabukasan para sa mga lumikas at ang pinaka-mahina, kabilang ang kababaihan at mga bata, mga taong may kapansanan, matatandang tao, at mga katutubo.
Aniya, sa kabila ng pagiging modest country, nahaharap sa mga seryosong isyu sa loob ng bansa tulad ng mga krisis sa enerhiya, pagbabago ng klima, at internal na displacement na dulot ng sakuna, nakikipagtulungan pa rin ang bansa sa international community sa pagtulak sa mga boundaries kung gaano kalaki ang maitutulong ng Pilipinas upang lumampas sa ating comfort zone.”
Tinitiyak nito ang desisyon ng High Commissioner of the Philippines na patuloy na maging isa sa pinaka-vocal ally ng organisasyong ito.
Hinimok ng opisyal ang UNHCR na magbigay ng “patas na atensyon sa iba’t ibang krisis sa iba’t ibang rehiyon – upang matiyak na walang sitwasyon ng refugee at walang hosting community ang mananatiling binabalewala o kulang sa pondo.