-- Advertisements --

Ipinatigil ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine offshore gaming operations (Pogo).

Ito ay matapos na makarating sa kanila ang ilang ulat na mayroong nagaganap na pangingikil at iba pang iregularidad sa nasabing aktibidad.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Remulla na inatasan na niya si NBI officer-in-charge Director Medardo De Lemos na itigil na ang kanilang mga operasyon ukol dito dahil sa masamang reputasyong nabubuo laban sa kanila na may kaugnayan sa “hulidap”.

Pag-amin ng kalihim, laganap na talaga ang kriminalidad sa POGO industry tulad ng kidnapping na kinasasangkutan naman ng ilang ahente ng bureu ngunit nilinaw niya na may ilang kaso ng kidnapping na kinasasangkutan din naman ng mga POGO workers bilang mismong salarin at biktima.

Aniya, kung ipagpapatulay pa ang operasyon dito ay tila nagsasayang lamang ng oras at panahon ang mga awtoridad kasabay ng pagkakasangkot naman sa mga iregularidad na talagang nakakaalarma na dahilan kung bakit kinakailangan na itong mapigilan.

Samantala, idinagdag din naman ni Secretary Remulla na makikialam lamang ang NBI sa usapin na ito kung talagang dumating na ang pagkakataong kinakailangan na ang kanilang presensya.