-- Advertisements --
IMG 20200214 124456

Kung si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen ang tatanungin, para sa kanya ay kailangan umanong ipagpaliban muna ang Valentine’s Day ngayong taon.

Ito ang naging suhestiyon ni Leonen dahil na rin sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Mapanganib daw kasi ang dulot ng COVID-19 global health emergency at ang pagkakaroon ng iba pang pathogens.

Payo naman ni Leonen sa single o sa mga walang karelasyon o significant others, okay na raw ang pasulyap-sulyap lalo na kapag matagal na itong gawain ng isang taong hindi kayang ipagtapat ang nararamdaman.

At para sa mga walang balak na makipag-date ngayong Valentine’s Day, puwede naman daw sabihing busy ka ngayon dahil hindi naman holiday at hindi pa “abrogated” ang Araw ng mga Puso.

“In the light of the COVID-19 global health emergency and the existence of other pathogens, I propose that we postpone Valentines Day. Holding hands and kissing should also be discouraged. Those without significant others, pasulyap-sulyap is alright especially if long practiced,” ani Leonen sa kanyang social media post.