-- Advertisements --
Pasado na alas-4:00 ng hapon nang bomoto si Pangulong Rodrigo Duterte sa national at local elections ngayong taon sa Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS) sa Davao City.
Tulad ng inaasahan marami ang nag-abang sa pangulo sa naturang paaralan.
Naging tampok din sa pagboto ng pangulo ang upuan na dati na rin niyang ginagamit.
Samantala, matapos na bomoto si Duterte ay nagsalita ito sa mga nag-aantay na kanyang mga kababayan.