Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) spokesman James Jimenez na pumanaw na si dating Chairman Sixto Brillantes.
Bandang alas-11:08 kaninang umaga lang nang sumakabilang-buhay ang dating chairman ng COMELEC.
Wala nang ibang ibinigay na detalye hinggil sa pagpanaw ni Brillantes pero nauna nang napabalitang ito ay tinamaan ng coronavirus.
“This is to confirm the passing of former Chairperson Sixto S. Brillantes Jr., today at a little past 11AM. Official COMELEC statement on this matter to follow. Thank you,” ani Jimenez.
Inaasahan naman na maglalabas ang COMELEC ng pormal na statement hinggil sa malungkot na balita.
Magdiriwang sana si Brillantes ng kanyang kaarawan sa darating na August 14.
Siya ay namuno sa COMELEC noong January 2011 hanggang February 2015.
















