-- Advertisements --

PAMPANGA – Inihalal na si Energy Secretary Alfonso Cusi bilang bagong presidente ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ito’y kasunod ng halalan na idinaos sa kontrobersyal na National Assembly sa Royce Hotel sa Clark, Pampanga.

DOE Alfonso Cusi OIL
Secretary Alfonso G. Cusi Department of Energy (DOE)

Pero nilinaw ng partido na walang pinatalsik na opisyal sa naganap na proseso.

Ayon kay PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, may kuwestiyon sa legalidad dahil paso na ang posisyon na hawak ng mga pinalitan nilang opisyal ng partido.

Kabilang na rito ang pagka-presidente ni Sen. Manny Pacquiao, na pumalit kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel noong 2020 lamang.

Sinabi ni Matibag na nakasaad sa kanilang Konstitusyon na mayroon lamang dalawang taon na termino ang kanilang mga national officers.

Kaya naman kahit noong December 2020 lang nanumpa si Pacman bilang presidente ng partido ay wala na itong bisa sapagkat panahon pa lang ni Pimentel ay paso na ang termino nito kaya mayroong kuwestiyon sa legalidad.

Sa naganap na halalan na tinunghayan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, 16 na National Officer positions at Committee chairmanships ang idineklarang bakante.

Nasa 250 delegates ang dumalo sa assembly kung saan ilan sa mga PDP-Laban members ay kumakatawan sa kanilang councils, ayon kay Matibag.

“They are entitled to another vote representing their respective councils. For example, a congressman of a district is entitled to a vote and if he is the President of the city council, he votes for that City Council too,” paliwanag nito.

Bukod sa mga personal na dumalo sa assembly, mayroong 82 pang delegado ang sumali sa assembly sa pamamagitan ng video teleconferencing.

Narito ang hanay ng mga bagong opisyales:

President – Alfonso G Cusi
EVP – Carlo Alexei Nograles
VP for NCR – Edwin Olivarez
VP for Luzon – Raul Lambino
VP for Visayas – Ben Evardone
VP for Mindanao – Charito Plaza
National Treasurer – Rianne Cuevas
Auditor General – Christopher Lawrence Go

Committee Chairpersons:
Membership – Astravel Naik
Education – Noel Felongco
Finance – Antonio Kho
Legal – Richard Nethercot
Public Information – Jonathan Malaya
Livelihood – Reymar Mansilungan
Youth Affairs – Maria Katrina Nicole Contacto