Nagsagawa ang mga tropa ng Pilipinas at Estados Unidos ng jungle obstacle course sa Camp Bojeador, Ilocos Norte bilang bahagi ng nagpapatuloy ngayon na Kamandag Exercises 2023.
Ayon kay AFP Public Affairs Office chief COL. Xerxes Trinidad, ang groundbreaking ng aktibidad na ito ay idinaos sa mismong headquarters ng 4th Marine Brigade sa pangunguna ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Sa isang pahayag ay binigyang-diin ni Brawner ang kahalagahan ng naturang aktibidad na nagpapatibay pa aniya sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na sumisimbolo sa kooperasyon at kolaborasyon ng dalawang hukbo mula sa naturang mga bansa.
Kasabay nito ay ang kaniya ring patuloy na panawagan hinggil sa pagpapatuloy sa pagkamit ng mga layunin ng Pilipinas at Amerika kung saan makakapagtulungan ang mga ito ng magkasama.
Kung maaalala, aabot sa kabuuang 2,749 ang bilang ng mga tropang nakilahok sa Kamandag Exercises 2023 na kinabibilangan ng 1,732 kasundaluhan mula sa Pilipinas, 90 mula sa Estados Unidos, 57 sa Southe Korea, 50 mula sa Japan, at walo naman ang nagmula sa United Kingdom.