Karangalan para kay Julie Anne San Jose na pumasa sa taste ng isang American streaming service ang kanyang local version sa awiting “Rocket to the Moon.”

Ang nasabing kanta ang official theme song sa bagong Netflix animated movie na “Over the Moon.”

Ayon sa 26-year-old singer/actress, bahagya lang siya nahirapan sa video shoot kung saan kailangan niyang iakma ang emosyon habang umaawit sa mga imaginary cartoon characters.

Nabatid na sa studio lamang niya sa bahay isinagawa ang recording bunsod ng coronavirus pandemic at ayaw na ring lumabas.

“May equipment naman ako sa bahay — ang importante lang naman is a good mic and an editing software para malinaw yung audio. Mas convenient na nandito sa bahay,” saad nito sa Kapuso Network.

Unang rendisyon ng “Rocket to the Moon” ay mula sa Fil-Chinese actress na si Cathy Ang.