La Greta vs Julia
(photo grabbed from @gretchenbarretto_

Maninindigan pa rin si Julia Barretto sa pagpanig sa ina at kapwa aktres na si Marjorie.

Pahayag ito ng 22-year-old actress kasabay ng paghingi ng sorry sa yumaong lolo na si Miguel, ang ama ni Marjorie at mga kaaway muli na kapatid na sina Gretchen at Claudine

Ayon kay Julia, nalulungkot siya na ang dapat sanang payapang pagtitipon bago ang cremation ng kanyang lolo Miguel ay nauwi pa sa magulong eksena sa gitna mismo ng ilang araw na burol nito sa Heritage Park.

“Pikey, I’m sorry for how a solemn occasion and celebration of your life turned into a circus. That instead of your legacy being remembered and given of attention, it created noise and more damage. This is not how it was supposed to be. I’m sorry that you watched all of this happen,” saad ng anak ni Marjorie ngayong Sabado ng hapon.

Ngunit sa kabila aniya ng mga maling akusasyon at pagpapakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kanilang pamilya, pinipili nito na manahimik at hindi sasali sa laban na hindi sa kanya.

“I will exclude myself from a battle that is not mine, but I will still stand by my mom and will be there for her no matter what happens,” dagdag nito.

Una nang pinatutsadahan ng panganay na si “La Gretta” ang pamangking si Julia dahil sa pagtatanggol sa inang si Marjorie na nagbantang isasapubliko ang tunay na dahilan ng pag-aaway ng Barretto sisters.

Kung maaalala, matagal nang may hidwaan sina Gretchen, 49; Marjorie, 45; at Claudine, 40.

Sinasabing lalong lumalim ang iringan ng magkakapatid dahil hindi nagustuhan ni Marjorie ang pagpapadala nina Gretchen at Claudine ng bulaklak kay Bea Alonzo noong kainitan ng isyu tungkol sa rumored relationship ni Julia kay Gerald Anderson.

Sumakabilang-buhay ang Barretto patriarch nitong October 15, matapos ang halos dalawang linggong pananatili sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center.