TUGUEGARAO CITY – Nakaboto na si senatoriable Juan Ponce Enrile kaninang alas-8:00 ng umaga sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Enrile na kumpiyansa siya na mananalo siya ngayong halalan.

Aniya sa edad 95-anyos ay kaya pa niya ang magtrabaho sa senado.

Nagbiro pa ang senador na baka aabutin niya ang edad na 110 at magkakaroon pa siya ng re-election.

“Siguro aabutin pa ko ng 110. Magrere-election pa ako. Ano bang akala niyo baka magrere-election pa ako eh,” pahayag ni Enrile.