-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Inihayag ng Department od Education 12 na hindi muna matutuloy ang Soccksargen Regional Athletic Association (SRAA) Meet 2020 dahil sa banta ng 2019 novel corona virus.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay Anton Maganto spokesperson ng Deped 12 na kanilang ipatupad ang memorandum number 15 na inisyu ni Deped Sec. Leonor Briones.

Base sa naturang kautusan na lahat ng mga aktibidad sa buwan ng Pebrero ay dapat i-postponed muna dahil sa 2019 novel corona virus.

Dagdag pa ni Maganto na dapat masiguro ang kaligtasan ng lahat bilang precautionary measures kahit walay kaso ng NCov sa Region 12.

Ayon sa naturang opisyal na kahit ang JS prom na ginagawa sa buwan ng Pebrero ay kasali sa naturang memorandum.

Napag-alaman na sa Pebero 19, 2020 gagawin ang opening ng SRAA Meet 2020 sa Lagao gym dito sa lungsod at ito ay matatapos sa Pebrero 24, 2020.