Joy Reyes
-- Advertisements --

Itinanggi ng dating partner ng actor Jomari Yllana na si Joy Reyes na siya ang dahilan sa paghihiwalay nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Sa kaniyang social media ay nilinaw nito ang nasabing usapin.

Sinabi niya na hindi niya personal na kilala ang actor kaya napaka-imposible na ito ang magiging third party.

Pawang mga imbento lamang at mula raw sa imahinasyon ang lumabas na mga balita.