-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Korean girl group na Red Velvet na hindi makakasama sa kanilang concert sa bansa ang isa nilang miyembro na si Joy.

Ayon sa grupo na mayroong dinaramdam ang isa nilang miyembro kaya minabuti na hindi na sumama sa concert sa bansa.

Gaganapin ang ikaapat na concert ng grupo sa bansa sa darating na Mayo 7 sa Mall of Asia Arena.

Dahil dito ay tanging apat na miyembro na lamang ng grupo na sina Irene, Wendy, Seulgi at Yeri ang magtatanghal sa bansa.