Hindi nakaligtas ang aktor na si Joshua Garcia sa mga netizens matapos mapansin na umano’y hindi na naka-follow sa Instagram ang mga account ni Vice President Sara Duterte at Senator Alan Peter Cayetano.
Nag-ugat ito nang mapansin ng mga netizen ang tila pag-repost ng aktor sa ilang mga TikTok video na may kaugnayan sa impeachment proceedings laban sa Bise Presidente na karamihan umano ay gawa ng DDS (Diehard Duterte Supporter).
Dahil dito ilang social media users ang hindi na umano makikita ang pangalan nina Duterte at Cayetano sa following list ng aktor.
Wala pa namang pahayag si Joshua kaugnay ng nasabing usapin.
May mga netizen naman ang nag-komento tungkol sa posibleng pananaw ng aktor sa pulitika, habang may iba namang nagsabing hindi sapat na batayan ang social media following list upang tukuyin ang paninindigan ng isang tao.
May mga netizen din na ipinagtanggol si Joshua Garcia at iginiit na dapat ihiwalay ang kanyang trabaho bilang aktor sa kanyang paniniwala sa pulitika.
Sa ngayon, ‘wala pang pahayag ang kampo ni Joshua habang patuloy ang mga haka-haka na baka siya ay isa ring DDS. Bukas naman ang Bombo Radyo para sa panig ng kampo ng aktor.
















