-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tahasang inamin ni Jolo, Sulu Vice Mayor Ted Tan na matagal na at patuloy silang nakakatanggap ng mga pananakot galing umano sa ilang nagpapakilala bilang mga teroristang grupo.

Katunayan ayon sa bise alkalde, halos araw-araw kung sila ay pinapadalhan ng mga pananakot.

Hindi naman aniya sila nagkukulang sa pagbigay-pansin kasama ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa pagdakip sa mga nasabing grupo.

Dagdag pa nito na palaisipan kung paano nakakapasok ang ilang grupo sa kabila ng mahigpit na seguridad na ipinatupad sa bayan.

Panawagan naman nito sa kanyang nasasakupan na na magdasal upang tuluyan nang matapos ang karahasan na nangyayari sa kanilang lugar.

Nabatid total lockdown sa ngayon ang bayan ng Jolo.