-- Advertisements --
Nahigitan na ni Nikola Jokic si NBA legend Wilt Chamberlain sa may pinakamaraming triple-doubles ng isang center player.
Nakamit ni Jokic ang 15 points, 13 rebounds at 13 assists ng talunin ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder 122-110.
Ito na ang pang-79 sa kaniyang career na naitala kung saan nasa pang-anim na puwesto siya sa listahan ng may maraming nagawang triple double.
Nanguna dito si LeBron James, Jason Kidd, Magic Johnson, Oscar Robertson at Russell Westbrook.
Kahit na mayroong nakamit ang record ay binalewala ng 27-anyos na si Jokic ito.
Sinabi nito na nagagalak siya sa pagkamit ng record subalit hindi na rin dapat ikumpara siya kay Chamberlain na maituturing na legend.