-- Advertisements --

Nagkasundo ang ilang mga bansa na magsagawa ng joint patrols sa may katimugang bahagi ng Red Sea at Gulf of Aden para gwardiayhan ang mga naglalayag na barko laban sa pag-atake ng Houthi rebels mula sa Yemen na sumusuporta sa mga Palestino sa Gaza strip na naiipit sa giyera sa pagitan ng Hamas at Israel.

Sa isang statement ngayong araw, tinukoy ni US Defense Sec, Lloyd Austin kasabay ng kaniyang pagbisita sa Bahrain, ang ilang mga bansa na makikiisa sa international force ay ang UK, Bahrain, canada, France, Italy, Netherlands, Norway,Seychelles, at Spain na papamunuan ng US.

Tinawag nito ang grupo na Operation prosperity Guardian na isang mahalagang bagong multinational security initiative.

Subalit hindi naman malinaw kung handa din ang mga bansang ito na gawin ang ginawa ng US warships nitong nakalipas na araw kung saan tinamaan at pinabagsak nito ang Houthi missiles at drones at sinakluluhan ang mga commecial ships na inatake ng rebeldeng grupo.

Matatandaan na una ng nagbabala ang Houthi rebels na tatargetin nila ang lahat ng mga barkong patungo ng Israel anuman ang kanilang nasyonalidad at nagbabala sa international shipping companies laban sa pakikipagkasundo sa Israeli ports. (Reports from Bombo Everly Rico)