-- Advertisements --

Sinimulan ng imbestigahan ng joint house panel ang multi-billion fund transfer ng Department of Information and Communication Technology at Metro Manila Development Authority hinggil sa free wifi for all program allocation.

Layon ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa pamumuno ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes, kasama ang Committee on Information and Communications Technology sa pamumuno ni Navotas City Rep. Tobias Tiangco, matukoy kung legal ang ginawang fund transfer.

Ang nasabing pagdinig ay para magkaroon ng preliminary determination hinggil sa privilege speech ni Northern Samar Rep. Paul Daza.

Sa privilege speech ni Daza kaniyang tinukoy nito ang umanoy kwestiyonableng paglipat ng pondo ng DICT sa MMDA kasama ang ilang mga LGUs.

Ang naturang pondo ay alokasyon para free-WIFI for all program.

Tinalakay din sa committee hearing ang ginawang bidding ng MMDA para sa National Capital Region’s fiber optic backbone development at maging ang procurement ng MMDA ng mga overpriced laptops at tablets.

Sa nasabing pagdinig ipinakita ni Daza ang chronology of events sa paglipat ng pondo mula sa DICT papunta sa MMDA para sa NCR Fiber Optic Backbone Development and Network Resiliency Project na may approved budget of contract na nasa P1.1 billion.

Ayon kay Representative Rida Robes dapat nilang matukoy kung ang naganap na interagency transfer sa pagitan ng DICT, MMDA at sa ibang LGUs ay valid at legal; at kung ang kontrata na pinasok ng MMDA at DICT ay walang nilabag na batas, rules and regulations at kung dapat managot ang mga opisyal na sangkot sa multi-billion fund transfer.

Una ng kinuwestiyon ng economist solon ang paglipat ng pondo dahil aniya tanging ang Congress lamang ang maaaring magbigay ng go signal na naaayon sa batas kung dapat malipat ang isang pondo sa ibang ahensiya.