CEBU CITY – Mismong pinuno na ng Senado na si Sen. Vicente Sotto III ang nanawagan sa high profile Chinese drug suspect na si Johnson Lee na magsalita kaugnay ng kontrobersyal na buy bust operations noong 2013 sa Pampanga.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Sotto na malaking tulong kung lulutang ang drug suspect para matukoy ang tunay na kwento sa likod ng tila pagtatago at pagsisinungaling ni police Maj. Rodnie Bayolo na pinuno ng dating raiding team.

Naniniwala si Sotto na ginugulo ng sinasabing “ninja cops” ang mga ebidensya laban kay Lee.

Dahil dito, pursigido ang Senate president na isulong ang kanyang panukalang pagbuo ng Presidential Drug Enforcement Authority.

Ito ay sa kabila ng mga pagtutol mula sa Dangerous Drugs Board at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kailangan pa raw mag-aral kaugnay ng panukala.