Inanunsiyo ni Jinkee Pacquiao ang pamimigay nito ng premyo sa kaniyang mga subscriber sa Youtube.

Ayon sa maybahay ng Filipino boxing champion Manny Pacquiao, mayroong P100,000 na premyo ang ipapamigay sa mga mapalad na mapipili nitong subscriber.

Ibinahagi rin nito ang paraan kung paano mapasakamay ang premyo gaya ng pag-subscribe sa kaniyang YouTube channel.

Hinikayat din nito ang mga subscriber na magbigay ng suhestiyon kung ano ang nais nilang isusunod na vlog nito.

Umaabot na kasi sa halos 600-k na ang subscriber nito sa nasabing video sharing platform.