-- Advertisements --

Dinepensahan ni dating Sen. Jinggoy Estrada ang pamamahagi nito ng tulong sa mga residente ng San Juan City matapos umanong labagin ang panuntunan ng social distancing.

Nagtungo sa tanggapa ng National Bureau of Investigation sa Maynila si Estrada nitong umaga matapos imbitahan at pagpaliwanagin sa kanyng bangus distribution activity kamakailan.

Ayon sa dating mambabatas, hindi intensyon ng kanyang hanay na labagin ang panuntunan. Katunayan, nakasuot pa raw siya ng personal protective equipment at face shield nang mamahagi ng tulong.

Kung maaalala, inaresto si Estrada matapos mamigay ng relief goods sa mga residente ng Brgy. Salapan noong May 3 dahil sa ilan daw paglabag.

Paliwanag ng dati ring alkalde ng San Juan, binigay sa kanya ang supply ng bangus mula Zambales kaya ipinamahagi niya ito sa komunidad.

“My question is, shall I watch these milkfish spoil and not consume and watch my constituents starve and suffer for not having one or shall I give it to them to at least ease their hunger for a meal?”

“Anyone in my situation that time would agree that the latter option is best to be chosen. That was what I did.”

“And I do not think that helping feed the starving and poor is a violation of law. If helping the poor and the needy, as what I did, is wrong, I do not know what right is.”