-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Jessy Mendiola matapos na magkita sila ng kaniyang Lebanese na ama na si Roger Tawie.

Naganap ito sa bakasyon nila ng asawang si Luis Manzano sa Dubai.

Sa kaniyang Instagram nagpost ang actress na kasama ang ama.

Makikta rin sa post ng actress na nakasama niya ang ama sa iba’t-ibang bahagi ng Dubai.

Noong 14-anyos pa lamang kasi ang actress ay nahiwalay na ito sa ama at nakasama niya ang ama noong 2017.

Huling nakasama nito ang ama noong 2019 sa United Arab Emirates.