-- Advertisements --

Ibinunyag ng actress na si Jessy Mendiola na nagpositibo siya sa COVID-19 habang limang buwang buntis.

Sa kaniyang vlog ibinahagi nito ang kaniyang pinagdadaanan at ang pag-aalala sa dinadala niya.

Nagulat pa ito ng magpositibo sa COVID-19 matapos na mahigit dalawang taon na niya itong iniiwasan.

Nagpapasalamat na lamang ito dahil sa patuloy ang ginagawang pag-check up sa kaniya ng mga doctor para matiyak na hindi lumala ang sintomas.

Sa ilang araw niyang isolation aniya ay nakaranas siya ng bahagyang lagnat at sipon.

Magugunitang nitong Agosto ng isinapubliko nila ng asawang si Luis Manzano na buntis ito.

Ikinasal ang dalawa noong Pebrero 2021 sa isang garden ceremony at matapos ang dalawang buwan ay doon naman sa simbahan.