-- Advertisements --

Tuluyan ng niretiro ng Los Angeles Lakers ang jersey number ni retired player Pau Gasol.

Isinagawa ang isang seremonya sa Crypto.com Arena sa halftime sa laban ng Lakers kontra Memphis Grizzles.

Dito ay ipinakita ng Lakers ang number 16 na jersey ni Gasol at niretiro na nila katabi ang jersey number 24 ng namayapang si Kobe Bryant.

Taong 2007-2008 ng maitrade ng Lakers si Gasol sa Grizzles.

Naging overall number 3 pick ang Spain basketball star noong 2001 ng Atlanta Hawks.

Umabot ng anim na season si Gasol sa Lakers kung saan kasama niya Bryant na nakakuha ng kampeonato mula 2009 hanggang 2010.

Mayroong averaged siya na 17 points at 9.2 rebounds at nakapagtala ng mahigit 20,000 points.