Biyaheng Los Angeles sa susunod na taon si Jericho Rosales.
Ito’y para sa kanyang kakatampukang pelikula na hangad nitong masimulan na sa Marso kahit wala pang katiyakan kung hanggang kailan pa tatagal ang coronavirus pandemic.
Una nang napabalik tanaw ang 41-year-old actor sa kanyang pinanggalingan bago nakamit ang hindi inaasahang komportableng buhay na maibibigay sa kanyang pamilya.
Nabatid na ang kanyang short film na “Basurero” ay kabilang sa US film festivals.
Ayon kay “Echo,” natuto siyang huwag palampasin ang mga oportunidad sa tuwing maiiisip na 14-anyos pa lamang siya noon nang pasukin ang iba’t ibang trabaho gaya sa fast-food chain, gayundin ang pagiging driver at tindero ng isda sa palengke.
“I really want Filipinos to know what they deserve. I want Filipinos to know what other people deserve and that for me is education, having access to basic needs, having access to a home, having access to internet, nowadays especially di ba? And we have to care about people,” saad ng mister ng British model na si Kim Jones sa ABS-CBN.