-- Advertisements --

Ibinunyag ng showbiz couple na sina Ben Affleck at Jennifer Lopez na sila ay kasal na.

Nakuha nila ang kanilang marriage license sa Clark City, Nevada nitong Hulyo 16.

Kinumpirma rin ito ng kanilang mga kampo kung saan pirmado ng dalawa ang nasabing marriage license.

Magugunitang taong 2002 ng unang maging engaged ang dalawa at sila ay naghiwalay noong 2004 bago ikasal.

Nagkaroon sila ng kani-kanilang mga relasyon at mga anak.

Noong pebrero rin ay nakita ang actress na may suot na isang engagement ring.