-- Advertisements --

KALIBO, Aklan–Pinawi ng Malay Solid Waste Management ang pagkabahala ng mga turistang nagbabakasyon sa isla ng Boracay matapos ang pagdagsa ng mga maliliit na jelly fish sa dalampasigan nitong araw ng Sabado.

Ayon kay Malay Solid Waste Management Officer Maylyn Orseni, maituturing na normal phenomenon ang pagbuhos ng mga jelly fish lalo na sa panahon ng habagat.

Hindi nagtagal ang mga dikya sa baybayin dahil kusa itong na-wash out at biglang nawala dahil sa pagkaroon ng high tide.

Dagdag pa nito na harmless ang mga nasabing dikya kaya imbes na katakutan ng ilang turista ay kinagiliwan pa nila ang mga ito kung saan, nakipaglaro ang ilang mga dayuhan.
Hindi nagdudulot ng skin disease o pangangiti sa balat ang naturang mga jelly fish at ligtas paliguan ang dagat.