LEGAZPI CITY – Nanawagan ang mga transport group sa gobyerno na magpatupad na lang ng jeepney repair at rehab program sa halip na phaseout.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Condor Piston Bicol Coordinator Joel Pillogo, binigyang-diin nito na maaari namang ayusin na lang ang mga lumang jeep upang makasunod sa standard ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon kay Pillogo, hindi naman tumututol ang grupo sa jeepney modernization program ng gobyerno na hagad lang na mapangalagaan ang seguridad ng mga mananakay subalit kailangan din na isaalang-alang ang hanapbuhay ng mga tsuper.

Iginiit pa ng transport group na patuloy silang magsasagawa ng mga tigil-pasada sa mga susunod pang araw upang marinig ng gobyerno ang kanilang mga hinaing.