-- Advertisements --

Nagbabala ngayon ang Department of Transportation (DOTr) sa mga jeepney operators at drivers na hindi susunod sa public utility vehicle (PUV) Modernization Program hanggang sa taong 2020.

Ayon kay DOTr Undersecretary Mark de Leon, haharap sa revocation ng kanilang prangkisa ang mga operators na hindi susunod sa naturang programa ng pamahalaan.

Sinani ni De Leon, sa taong 2020 ay magbibigay daw ang DOTr ng notice sa mga operators kaugnay ng PUV Modernization Program.

Sa oras umanong ayaw sumunod ng mga operators ay bubuksan nila ang prangkisa ng naturang mga jeep sa ibang operators.

Iginiit din niyang dapat sumunod ang mga operators sa deadline na kanilang ibibigay.

Maalalang layon ng PUV modernization program na i-phase out ang mga lumang jeepney at papalitan ang mga ito ng Euro 4 compliant vehicles na puwede sa renewable energy.

Pero kaya nagkakaroon ng malawakang tigil pasada sa buong bansa ng mga transport group dahil na rin sa halaga ng naturang jeep na P1 million hanggang P2.2 million.