Sumang-ayon ang Japan Coast Guard (JCG), US Coast Guard (USCG), at ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pangangailangan na magsagawa ng periodical exercises upang matiyak ang katatagan at seguridad ng Indo-Pacific region.
Inihayag ng Embahada ng Japan sa Pilipinas, habang isinasagawa ang trilateral working-level meeting, ang tatlong ahensya ay sumang-ayon na ipagpatuloy ang trilateral efforts sa human resource development, na itinatampok ang kahalagahan ng joint training.
Nabanggit ng embahada na ang mga ahensya ay sumang-ayon sa closer information exchange at kinumpirma ang karagdagang koordinasyon para sa pinalawak na kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Ang JCG, PCG, at USCG ay magsasagawa ng trilateral maritime exercises mula Hunyo 5 hanggang 7 upang palakasin ang interoperability ng mga ahensya.