-- Advertisements --
Todo pagbubunyi ang Utah Jazz matapos bigyan nila ng unang panalo ang bagong coach nang itumba nila ang Denver Nuggets, 123-102.
Hindi magkamayaw ang mga Jazz players sa pagbati kay coach Will Hardy, na dating assistant sa Boston Celtics.
Umiskor si Colin Sexton ng 20 points, habang si Lauri Markkanen ay nagdagdag ng 17 points para sa new-look na Jazz.
Ang two-time reigning Most Valuable Player na si Nikola Jokic ay nagtapos sa 27 points at si Aaron Gordon naman ay nagpakita ng 22 para sa Denver na hindi pa rin naging sapat para mahanay sila sa winning column.