Opisyal na idineklara ng Forbes ang superstar na si Jay-Z bilang kauna-unahang billionaire rapper.

Sa pagtataya ng US magazine, pumapatak na raw sa mahigit $1-bilyon ang kabuuang yaman ng streaming music mogul, na kilala rin bilang isang fashion trendsetter.

Ayon sa Forbes, pangunahing rason umano rito ay ang pagkakaroon ni Jay-Z ng iba’t ibang ventures, maging sa pag-aari nito ng streaming service na Tidal, at ng sports management company na Roc Nation.

Maliban pa rito ay mayroon ding art collection ang rapper na nagkakahalagang $70-milyon o mahigit P3-bilyon.

Nakaambag din aniya rito ang pagpapakasal nito sa isa pang superstar na si Beyonce, na may kabuuang yaman na $355-milyon.