-- Advertisements --
Kumamada ng 40 points si Jason Tatum upang dalhin ang Boston Celtics sa kanilang ikalimang panalo laban sa Toronto Raptors, 126-114.
Sa init ng kamay ni Tatum perfect ito sa 13 of 13 sa free throw line.
Habang sa second quarter ay nakapagbuslo siya ng 21 puntos.
Nagpakitang gilas din ang kanilang rookie guard na si Payton Pritchard na nagtapos sa 23 points at eight assists sa loob ng 32 minutes.
Sa panig ng Raptors, ikalima na ang kanilang talo at isa pa lamang ang panalo.
Nabaliwala ang 35 points ni Fred VanVleet para sa Raptors.
Sa Huwebes haharapin ng Celtics ang Miami na huli nilang nakalaban ay noon pang Sept. 27 kung saan nagawang madispatsa ng Heat ang Celtics sa Eastern Conference finals.
Sa Raptors ay nasa Suns sa Huwebes.