-- Advertisements --
Pumirma ng tatlong taon na kontrata sa University of Sto.Tomas Growling Tigers bilang head coach si Pido Jarencio.
Naging mainit ang pagtanggap kay Jarencio sa UST na pinangunahan nina Dominican priestsFr. Richard G. Ang, OP at Institute of Physical Education, at Athletics director Fr. Rodel S. Cansancio, OP.
Sinabi ni Jarencio na isang malaking hamon ang pagkapili niya ngayong bilang coach.
Umaasa ito na sa kaniyang pamumuno ay magkampeon muli ang UST kung saan huling nakakuha sila ng UAAP titles ay noon pang 2006 ng talunin ang Atene de Manila University.
Aminado ito na marami itong aayusin sa nasabing koponan para sila ay muling mangibabaw.