-- Advertisements --

Mahaharap ngayon sa isang hamon ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifier sa darating ng Pebrero 24 at 27.

Ito ay dahil sa hindi pagsama nina Japeth Aguilar at Kai Sotto.

Kinumpirma ni Gilas coach Chot Reyes ang nasabing balita kung saan hindi matanggihan ni Sotto ang kaniyang paglalaro sa Japan.

Habang si Japeth Aguilar ay patuloy ang kaniyang pagpapagaling matapos na magtamo ng injury sa kaniyang tuhod.

Dahil dito ay pag-aaralan na ni Reyes ang maaring ipalit sa nasabing dalawang manlalaro.

Magugunitang gaganapin ang laban ng Gilas kontra Lebanon sa Pebrero 24 habang makakaharap nila ang Jordan sa Pebrero 27 na kapwa gaganapin sa Philippine Arena.