Nagbigay ang Japan ng mahigit isang milyong doses ng AstraZeneca coronavirus vaccine sa Taiwan.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagharang umano ng China ng mga bakuna na para sa sa Taiwan.
Sinabi ni Japanese foreign minister Toshimitsu Motegi na marami silang mga natanggap na request mula sa ibang bansa at isa ang Taiwan na kanilang pinagbigyan.
Nasa 1.24 milyon na AstraZeneca vaccine na gawa sa Japan ang kanilang ibibigay sa Taiwan.
Ayon naman kay Taiwanese health minister Chen Shih-chung na dumating na ang mga bakuna at ito ay malaking tulong lalo ngayong panahon ng pandemya.
Sa mahgit 23.5 milyon na populasyon ng Taiwan ay bumili na sila ng 30 milyon shots subalit na nakatanggap na sila ng 726,600 doses ng AstraZeneca at 150,000 doses ng Moderna bago ang donasyon mula Japan.










