-- Advertisements --
Nabigo sa first round ng Cincinnati Open si Japanese tennis star Naomi Osaka.
Tinalo siya ni Zhang Shuai ng China sa score na 6-4, 7-5.
Ito ang pangatlong torneo ni Osaka mula ng magtamo ng Achilles injury.
Noong nakaraang linggo kasi ay umatras na ito sa opening round ng Toronto dahil sa pananakit sa likod nito.
Sa panig naman ni Zhang ay ito ang unang singles event na panalo niya noong 2014.
Susunod naman na makakaharap ni Zhang si Ekaterina Alexandrova ng Russia.