-- Advertisements --
Personal na bumisita sa White House si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Agad itong nakipagpulong kay US President Joe Biden kung saan isa sa mga tinalakay nila ay ang pagpapalakas ng alyansa nilang dalawa laban sa bantang nuclear ng China at North Korea.
Ayon kay Kishida na mayroon silang mga hakbangin na ginagawa para matiyak ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon na kaniyang sinasakupan.
Tiniyak naman ni Biden na handa silang tulungan ang Japan para maiwasan ang banta mula sa China at North Korea.